Personalidad sa Likod ng Al Majd
Ang Samahang Al Majd na ngayo'y sumisikat,
Ay binubuo ng ibat-ibang personalidad.
Mula Luzon, Visaya hanggang sa ka-Mindanawan,
Muslim man o Kristiyano pinagbuklod ng samahan.
Dito sa Saudi lahat sila'y pinagtagpo,
Kahit pa sabihing magkaka-iba ng trabaho.
Upang maipamalas kanya-kanyang talento,
Maibahagi sa iba, sa pakikipag kapwa tao.
Sa larangan ng medisina, banko at transportasyon,
Maging sa insurance, sining at konstruksiyon.
Sa Samahang Al Majd ay iyong matatagpuan,
Handang maglingkod ng walang kabayaran.
Kaya't ating kilalanin ang bawat isa sa kanila,
Pinagpipitagang mga kasapi't kasama.
Ng sa bawat sandali ng iyong pangangailangan,
Sila'y handang tumulong ano mang oras na kailangan.
Kung sounds ang hanp mo, Joetec, Bobby nandiyan lang,
Mayroon pang George at Meynard pangalang maaasahan,
Kung technician ang hanap mo, si Sergio lang ang puntahan,
Sigurado akong aayusin, kayang kayang gawan ng paraan.
Sa larangan ng pagguhit hindi rin pahuhuli,
Mga kamay nina Rene, Raffy at Batchi.
Hahanga kang tunay at muling mamamangha,
Animo'y obra maestra and kanilang mga gawa..
Sa computer, Graphic and Web design naman,
Pangalang Leo hindi mo pwedeng kalimutan.
Biyaya ng may Kapal ang angkin niyang talino,
Tunay na maipagmamalaki mga gawa nitong si Leo.
Kung ang problem mo ay iyong kasangkapan,
Si Agot naman ang iyong pwedeng lapitan.
Sa pagkukumpuni ay tunay na maaasahan,
Isama mo pa pati pagpintura ng kabahayan.
Pagdating sa koryente, asahan mo si Willy at si Sonny
Insurance nandiyan si Joey, Butch Parlade meryendang maigi,
Nick, Arnold at Rodan, pagluluto ng ating hapunan,
Bobot Cordova sa bagahe, Henry Sarmiento sa publicity.
Marami pang mga pangalan ang hindi nababanggit,
Sa susunod na labas, part two siguradong kompleto,
Sa ganitong oras, lingkod ninyo'y marami ng trabaho.
Kaya sa susunod, siguradong masaya kayo.
|